Ang ganda ganda mo baby. Kamukhang kamukha mo si Papa mo. Huli ka naming nakita nung 8 months ka, magkakasama pa tayo noon. Tapos bigla ka nalang inilayo. Noong ipinakita ka ulet sa amin, mahigit isang taon ka na. Akala ko makakasama ka na ulet namin, pero hindi pala. Hindi ko alam kung kelan ka ulet namin makikita. Ang saya saya ni Tita kase may nakita akong isang picture mo online.
Miss na miss ka na namin baby. Lalo na si Papa mo at saka si Lolo at Lola. Sana malaman mo na mahal na mahal ka namin. Magkakasama-sama ulet tayo baby, pangako namin yan sa'yo. Aayusin lahat ni Papa.
