Tuesday, July 8, 2008

I Say the Darnest Things

My closest friends always tell me that I say the darnest things... Ewan bigla ko nalang siyang nasasabi out of nowhere. Minsan nagtataka din ako kung san ko nakuha yun. I've listed some of those I remembered.

1. 'Grabe noh? Ang dami na nating nabasa...Siguro kung pagdudugsung-dugsungin natin lahat ng sentences, mababalot na niya ang buong mundo.'
(...at the dorm, while reviewing super long readings needed for our exam with my soulmate-sister Lhot, I paused and interrupted her to tell this.

2. 'Ganito kase yun, bawat tao may nakakabit na pisi tapos sa dulo ng pisi andun yung tao na gusto ni God para sa atin. Yun parang invisible and unbreakable na tali na nagdidikit sa dalawang taong meant for each other. Bawat araw umiiksi ang pisi and eventually, magmimeet sila. Minsan lang nadedelay ang meeting, kase sumasabit sa ibang pisi... minsan sobrang nabubuhol kaya mahirap tanggalin...but eventually magmimeet pa din.' (...lines na lagi kong ginagamit sa mga friends ko when I am explaining about my concept of destiny. Haha, I know it sounds stupid pero that's my interpretation. Tapos tatanungin nila ako pano daw kung may gumunting ng tali? Eh kaya nga unbreakable di ba? Duh!...Kaya pag may crush ako, lagi nila akong binibiro na baka siya na daw ang kadugsong ng pisi ko, haha!)

3. Pwedeng totoong rice yung sa'ken, please?
(...minsang kumakain kami sa labas with my family. Siyempre kumunot ang noo nung waiter. Nagsalita na lang ang Papa and told him to give me a plain rice instead of fried rice. Hehe sorry naman. Sa bahay at close friends ko nga lang pala acceptable yung term ko. Totoong rice at totoong pagkain ang tawag ko sa plain rice and lutong- bahay na food =)

4. 'Pano if we have the choice na pumili kung san naten ilalagay ang bawat parte ng katawan naten? Anong itsura niyo? Ako siguro ilalagay ko ang isang mata ko sa likod...kaw?' (...traffic and boring, inside the car with friends. Naisip ko lang habang pinagmamasdan ko ang mga taong naglalakad. Since then, past time na naming mag-isip ng itsura ng tao kung iba't-iba ang pwesto ng body parts. If you will see us na mamamatay sa katatawa when I'm with my close friends, malamang nagko-conceptualize kami, haha! Sa tingin mo may magaaway kaya dahil tinulad niya yung itsura ng isa? Siyempre touch-move. Di na pwede baguhin ang nadesign mo.)

5. 'Alam mo, kelangan naten isuot lahat ng damit naten, kase malulungkot yung iba kapag di naten sila sinusuot.'
(...kay Lhot ulet nung tinatanong niya ko kung bakit di pa ako nagpapa-laundry. I have the attitude kase to wear only my favorite clothes kahit paulit-ulet. So kung di ako magpalaundry, wala akong choice kundi gamitin ang iba. Kung di ko sila naisuot, ipamimigay ko nalang para di sila malungkot.)


But recently, di ko kinaya ang tanong sa'ken ng 3 years old kong inaanak while we're walking in the park: 'Ninang, san ang paa ng aso...yung sa harap o yung sa likod?' How will I answer such question na hindi ko na kelangang magpaliwanag?

No comments: