Wednesday, November 5, 2008

Trick Or Treat

Halloween Party namin sa office last week. Nakakaaliw kase sobrang cute ng mga batang sumali sa trick or treat at suot ang kanilang mga costumes. Masaya rin palang manakot kahit ang ibang bata dedma, nginingitian kalang kahit todo effort na ang pananakot mo. Smile lang sila sabay sabing, 'hi.' Pag ganun, sino ba naman ako para hindi magsmile at maghello. Meron lang talagang mga batang salbahe. Merong isang bata, sabi sa'ken habang tinatakot ko siya, 'Baliw! di ako natatakot sa'yo!' Yung isa naman, 'Ano lalaban ka? Suntukin kita diyan eh.' Oh di ba, ikaw pa ang matatakot.



Eto si Lisang Bigti. Magaling siyang manakot, kahit halos himatayin na ang mga bata sa takot at halos lumuha na ng dugo, di pa rin niya tinatantanan.








Eto naman si Teteng Mangkukulam. Nakapwesto siya sa may pintuan at mahilig manggulat. Kaya pagpasok palang ng mga bata, himatay na.




l

Eto naman si Markimummy. Sikat siya 'non kase andami nagpapapicture sa kanya at naiintriga ang mga matatanda kung sino ang tao sa loob ng tissue paper. Lagi din namin siyang nire-retouch dahil naagnas siya lagi.


l

i

Eto naman si Pektong Patay. Ang baklitang nakaupo sa silyang de gulong at bigla nalang susulpot sa dilim.

l

l

l

At eto naman ako. Di ko alam kung ano ang role ko. Siguro ang Baliw na Bangkay dahil wala naman akong ginawa kundi tumawa ng tumawa sa mga pinaggagawa namin.




HaPpy HalloOooOwEeeeN!
More photos here.


Update on previous entry: May kaaway si Ate kagabi. Di namin alam kung sino, ang sabi niya, 'Barangin ko siya eh!' Yay! Lalo tuloy kaming natakot. Kaya nung nakita namin yung pinakabata sa magkakapatid, tinanong ng roomate ko kung para saan yung bote ng Gatorade. Ang sabi niya, 'Gamot yan sa lalamunan. May dasal yan. Iniinom.' Tanong ulet ng roomate ko, 'Bakit sino may sakit?' ang sagot niya, 'Sa probinsya.' Huh?! Pano maiinom eh nasa probinsya pala yung may sakit? Anyway, nagpaalam na rin kami kina ate na until December nalang kami sa bahay, pumayag naman siya at ang sabi lang, 'Ok.'

No comments: