Monday, November 24, 2008

Update lang sa life...


On exam: Hehe di ko natapos yung exam. Mahirap. Di naman kase ako nakareview the whole day nung Saturday kase masama pakiramdam ko at walang pumapasok sa ulo ko (hehe excuses [pero totoo masakit ulo ko]). Di din ako naging extra nice sa mga tao. Sorry Lord.

***

Of work: I don't like the nature of my work but my salary is great. I'm back na pala sa dati kong office. Ewan ko ba but they asked me back. Balik sa overcrowded na lugar dahil sa mga bisita; nagiging violet na ulet ang mga daliri ko dahil sa lamig at wala na ulet ako sa gilid ng bintana. Pero I think I like it better here :) Walang ep*l. By the way, maraming magkakagalit dito ng patago...and I'm trying my best not to care.

***

Of family: I miss home. I was supposed to be home 2 weeks ago pero hanggang ngayon, di pa din ako nakakauwi. Di na din ako nakakapunta sa Kuya Jerrold ko sa LB. Buti si Jr kahit once a week nakikita ko. Ang Kuya Christian, hay naku di pa rin umuuwi sa'men. Buti nalang this coming weekend uuwi ako, yey!!!! We have a workshop at Fontana sa Pampanga so I'll go straight home after. Long weekend pa, yey talaga. Maybe I'll visit Kuya Christian in Baguio kahit isang araw lang.

***

Of friends: I love them all. AR and Dwight, I'm glad nagkasama-sama ulet tayo after quite a time. AR, tagal na nating di nag-uusap ng seryoso. Dwight, I'm sad that you're leaving...pero sige na nga, masaya na din ako for you. Eisen, sorry di ako nakauwi nung birthday mo. Babawi ako. Kimmy and Rosalyn, thanks for the phone calls, you guys always feel it when I need someone to talk to. Rica, thanks for the pesto, nagustuhan ko. Aia, thanks for being around pag feel kong mag-emote. Lisa, my new-found friend, I'm glad we've met. To everyone na di ko nattxt at narereply, sorry. Tatawagan ko kayong lahat kase may unlicalls na ang Globe hehe. I miss you guys. Muahugs!

***

Of being a brat and a crybaby: Inaway ako ni Dwight kahapon. He's so mean yesterday :( Buti andun din si Aia. Kase they went to Intramuros and Luneta, sabay sana ako kaya lang I have a meeting sa office kaya sumunod nalang ako. Siyempre, di nga ako marunong magcommute, kaya I asked for directions. Pero everytime na tatawag ako kay Aia I can hear him na naiinis kase di ko alam ang way. Di ko nga alam eh! Nagtanong naman din ako pero nawala pa din ako. Yun, sila humanap sa'ken. Syempre hiyang hiya na nga ako sa kanila eh and I felt stupid already for getting lost. Tapos lalo pa niyang ni-rub na even a child would know daw how to go to Luneta. Siyempre I felt bad. Lalo pa siyang nagalit because I was not talking at di ako sumabay kumain. Ako pa daw yung galit and all. I was not talking kase iiyak lang ako and I'm trying my best not to cry. Then after he ate, he gave me he's piece telling me how he hated my reaction. Madami pa siyang sinabi pero di ko na naintindihan yung iba. What I know is he's furious. I've never seen him so mad at me. Anu kaya yun?! I said sorry kahit medyo ayaw ko. Naging ok naman kami pero I still find him rude kahapon. Naku...

***

Of emotions and state of heart: As usual, I'm not certain about anything. Happy yet scared. Reserved yet wanting for more. Want to shout loud but decided to remain mute. I've been thinking double, triple, quadruple, gazillion times if I will be making this one decision that could probably change this state I'm in...or just do nothing. I'm fine though. I'll just play the field.

***

I cut my hair short pala (shoulder level). I dyed my hair too (dark brown).
***
Pwera jinx: Ayaw ko sanang pansinin kase di pa natatapos ang taon, pero you don't know how happy I am this year because as far as I know, di pa ako nadadapa, nadudulas, nahuhulog sa hagdan o kahit ano pa mang bagay na magpapatunay kung gano ako ka-accident prone. Amazing haha! Muntik muntik lang, pero di natutuloy. Kase naman super ingat na talaga ako lalo na sa mga hagdanan. Sa totoo lang pag nakakita na ako ng hagdan, kinakabahan na ko. Siguro nga nasa pagiingat lang yan. Sana matapos ang taon na di ako magpapa-x- ray. Galing :)

No comments: