Noong mga panahon na wala pa akong kabalak balak mangibang bansa, lagi kong naririnig sa mga balikbayan kong kakilala at kamag anak na iba daw talaga ang Pasko sa Pinas. Sa isip-isip ko dati,
OA namang makapag-
emote 'tong mga 'to. Parang di ko naman nakikita sa mga
pictures na pinapadala nila noon kung gaano sila kasaya. Makikita mo sa mga larawan na hanggang gilagid ang mga ngiti nila habang nakasuot ng
scarf at nakapwesto sa tabi ng
christmas tree , sabay may hawak na
red wine. Background pa nila ang bintana kung saan tanaw ang
snow sa labas.
White Christmas ika nga.
Pero syempre di naman ako ganun ka-epal. Naiintindihan ko sila. Masmasaya talaga kung kapiling mo ang pamilya at mga mahal sa buhay tuwing Kapaskuhan. Katulad ng pamilya namin na tuwing Pasko lang din nabubuo simula noong nagkolehiyo kaming magkakapatid at mag-
feeling grown ups . At ang pinakapaborito naming lahat ay ang nakasanayan na naming pagpapakuha ng
family picture sa araw ng Pasko, kung saan nakahilera kaming lahat na animo'y bibitayin. Minsan, kung magaling ang
photographer, meron din namang
blocking. Nakakatuwa kaseng balikan ang bawat larawan, lalo na nuong kamusmusan naming magkakapatid na suot suot ang mga bagong damit at sapatos. Pero ngayong nasa malayo na akong lugar at di pwedeng basta na lang sumakay ng
Victory bus para makauwi, malamang, bungi na naman ang
family picture namin ngayong taon.
Ang ewan pa no'n, andito ako sa isang bansa kung saan hindi talaga ipinagdiriwang ang Pasko. Kaninang umaga nga pagtingin ko sa kalendaryo nagulat ako kase
December 6 na pala. Kung nasa Pinas ako sa mga panahong ito, malamang, nakikipagsisikan na ako sa Divisoria para kumpletuhin ang mga regalo ko sa dalawang dosena kong inaanak at mga kaibigang feeling inaanak hehe. Pero hindi ko namalayan na nagumpisa na ang Disyembre dito. Dahil maliban sa lamig ng simoy ng hangin, walang kasenya senyales dito na malapit na ang Pasko.
Ang dami ko tuloy nami-
miss. Dito, kahit ulit-ulitin kong patugtugin ang mga
christmas songs sa
laptop, hindi ko maradaman yung
spirit ng
Christmas. Kase noong nasa atin ako, iba talaga ang
feeling tuwing nakakarinig ako ng
christmas songs. Ang saya. Parang may
magic. Pero dito, hindi ko maipaliwanag pero iba nga talaga...Kahit pa merong nakabalandra na lettering ng
"Merry Christmas and a Happy New Year" sa may sala ng
flat namin (na 2
weeks na palang nakalagay doon at kanina ko lang napansin kung di pa ako napatulala), parang walang dating. Iba pa din talaga... At kahit pa siguro magsabit ako ng
christmas balls sa tenga ko at leeg para gawing hikaw at
pendant, di ko pa din mararamdaman na Pasko na.
Oh well hindi naman ako nage-
emote dahil wala naman akong balak maging malungkot sa Pasko. Swerte nga kase tumapat ang 24 at 25 sa Biyernes at Sabado, mga araw na wala akong Pasok. Magse-
celebrate pa din ako ng Pasko noh. Hehehe. Yun nga lang kasama ang mga bagong kaibigan at kakilala. Tapos, mag-
skype nalang kami ng mahal kong pamilya. Reretokehen ko na lang din sa
photoshop ang family picture namin ngayong taon para makasama ako.
Bukas nga pagising ko, susubukan ko na maradaman ang
spirit ng Pasko. Baka sakaling magparamdam
this time. Sabi nga ng matatanda, ang Pasko ay nasa puso. Hehehe.
Maligayang Pasko sa lahat!