Thursday, October 25, 2007

Paano Kaya Si FIONA?

Meron akong malaking problema. Uuwi kase sana ako bukas sa Tarlac for the holidays (Elections & Undas), kaya lang naisip ko, san ko kaya iiwan si Fiona? Hehe, Fiona is my wonder dog who lives with me sa apartment. Well, kasama ko din kuya ko pero lagi siyang wala, so si Fiona lang talaga ang aking super housemate and constant companion. Di ko naman siya pwedeng iuwi kase di ba magko-commute lang ako. Naku, ano kaya ang gagawin ko sa kanya?


Ano sa tingin niyo?

A. Ihahabilin ko siya kay Ate (Si Ate ay ang aming friendly neighbor who does our laundry)

B. I will take her with me (Di nga ako sanay umuwing mag-isa, tapos may aso pa
akong dala? At pwede ba ang aso sa bus? Pano kung my bombing na maganap?)

C. Iiwan ko nalang siya sa bahay (She will starve to death, kawawa naman baby ko. Tsk.Tsk.)

D. Pakakawalan ko nalang siya sa kalsada (...at hahanapin ko nalang pagbalik ko? No way!)

Buti pa ang 2 flowerhorns ng Kuya ko, bibili lang siya ng maliliit na isda at ilalagay sa aquarium. Ang dami ay depende kung ilang araw kami mawawala...At pagbalik namin, buhay pa din. Hay...
Pano na kaya si FIONA?


No comments: