Thursday, September 11, 2008

Sobrang nonsense

6:19 PM
Thursday
Sitting infornt of my laptop here in the office
Makati

Grabe bigla akong nahilo after kong uminom ng brewed coffee. Bale my second cup for the day. Tapos may binabasa pa ko na blog na sobrang ang liliit ng font. Ilang chocolates na din nakain ko. Medyo masakit na nga dila ko eh. Hindi ko alam kung bakit pag kumakain ako ng chocolates, feeling ko nagagasgas ang dila ko. Pero di pa din ako humihinto meron pang 5 pieces dito. Ewan kung carry pa ng powers ko pero suko na ata ako.

Bakit ba hindi pa ako umuuwi? Baka abutin pa ko ng ulan, eh nitong nakaraang tatlong araw eh first time kong tumapak sa baha ng Makati. At grabe kagabi maiiyak na ko kase di ako makasay ng jeep. Noong unang umuulan dito, namimili pa ako ng aapakan. Pero nitong bagyong Marce, wala ka ng choice kundi ilubog ang mga paa mo sa baha. Buti sana kung mala-crystal clear ang baha. But no. Well, that's life. Anyway next time kukunan ko talaga ng picture ang baha. Hehe until now naa-amaze pa rin ako sa baha. Di pa din pala ako lumilipat sa apartment ko dito sa Makati kaya sa Pandacan pa din ako umuuwi. Kagabi dadaan sana ako pero nung nasa kanto na ako, baha pala dun sa papuntang apartment. At ang tubig, pinakamaitim sa lahat ng bahang nakita ko. Hehe nagretreat ako.

Hay medyo napagod lang kase ako dito. Andami kong communications na ginawa. Congratulatory letters, endorsements, recommendations tapos basa ng current events.. Haaaay. Buti nalang friday na bukas. Salamat talaga. Uwi na nga ako para di na ulet abutin ng ulan.

No comments: