Saturday, December 25, 2010

Merry Christmas Everyone!!!

Feeling blessed to have such a wonderful family and friends. You are my greatest gift. Wishing you all a safe, wonderful and magical holiday season! God bless you all! :)

Saturday, December 18, 2010

Bahrain's Tree of Life

Saw you at last!The Tree of Life is a 400 year-old mesquite tree which lives in the middle of desert, miles away from other vegetation and with no apparent source of water. The mystery of the survival of the tree has made it a legend.

And by the way, I cut my hair short.
More photos from our Tree of Life experience soon! :)

Thursday, December 9, 2010

Our 23rd :)

I'm glad that we are still laughing together. =)

Monday, December 6, 2010

Iba nga pala talaga...

Noong mga panahon na wala pa akong kabalak balak mangibang bansa, lagi kong naririnig sa mga balikbayan kong kakilala at kamag anak na iba daw talaga ang Pasko sa Pinas. Sa isip-isip ko dati, OA namang makapag-emote 'tong mga 'to. Parang di ko naman nakikita sa mga pictures na pinapadala nila noon kung gaano sila kasaya. Makikita mo sa mga larawan na hanggang gilagid ang mga ngiti nila habang nakasuot ng scarf at nakapwesto sa tabi ng christmas tree , sabay may hawak na red wine. Background pa nila ang bintana kung saan tanaw ang snow sa labas. White Christmas ika nga.

Pero syempre di naman ako ganun ka-epal. Naiintindihan ko sila. Masmasaya talaga kung kapiling mo ang pamilya at mga mahal sa buhay tuwing Kapaskuhan. Katulad ng pamilya namin na tuwing Pasko lang din nabubuo simula noong nagkolehiyo kaming magkakapatid at mag-feeling grown ups . At ang pinakapaborito naming lahat ay ang nakasanayan na naming pagpapakuha ng family picture sa araw ng Pasko, kung saan nakahilera kaming lahat na animo'y bibitayin. Minsan, kung magaling ang photographer, meron din namang blocking. Nakakatuwa kaseng balikan ang bawat larawan, lalo na nuong kamusmusan naming magkakapatid na suot suot ang mga bagong damit at sapatos. Pero ngayong nasa malayo na akong lugar at di pwedeng basta na lang sumakay ng Victory bus para makauwi, malamang, bungi na naman ang family picture namin ngayong taon.

Ang ewan pa no'n, andito ako sa isang bansa kung saan hindi talaga ipinagdiriwang ang Pasko. Kaninang umaga nga pagtingin ko sa kalendaryo nagulat ako kase December 6 na pala. Kung nasa Pinas ako sa mga panahong ito, malamang, nakikipagsisikan na ako sa Divisoria para kumpletuhin ang mga regalo ko sa dalawang dosena kong inaanak at mga kaibigang feeling inaanak hehe. Pero hindi ko namalayan na nagumpisa na ang Disyembre dito. Dahil maliban sa lamig ng simoy ng hangin, walang kasenya senyales dito na malapit na ang Pasko.

Ang dami ko tuloy nami-miss. Dito, kahit ulit-ulitin kong patugtugin ang mga christmas songs sa laptop, hindi ko maradaman yung spirit ng Christmas. Kase noong nasa atin ako, iba talaga ang feeling tuwing nakakarinig ako ng christmas songs. Ang saya. Parang may magic. Pero dito, hindi ko maipaliwanag pero iba nga talaga...Kahit pa merong nakabalandra na lettering ng "Merry Christmas and a Happy New Year" sa may sala ng flat namin (na 2 weeks na palang nakalagay doon at kanina ko lang napansin kung di pa ako napatulala), parang walang dating. Iba pa din talaga... At kahit pa siguro magsabit ako ng christmas balls sa tenga ko at leeg para gawing hikaw at pendant, di ko pa din mararamdaman na Pasko na.

Oh well hindi naman ako nage-emote dahil wala naman akong balak maging malungkot sa Pasko. Swerte nga kase tumapat ang 24 at 25 sa Biyernes at Sabado, mga araw na wala akong Pasok. Magse-celebrate pa din ako ng Pasko noh. Hehehe. Yun nga lang kasama ang mga bagong kaibigan at kakilala. Tapos, mag-skype nalang kami ng mahal kong pamilya. Reretokehen ko na lang din sa photoshop ang family picture namin ngayong taon para makasama ako.

Bukas nga pagising ko, susubukan ko na maradaman ang spirit ng Pasko. Baka sakaling magparamdam this time. Sabi nga ng matatanda, ang Pasko ay nasa puso. Hehehe.

Maligayang Pasko sa lahat!